Inilabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang pangkalahatang plano hinggil sa pagpapaunlad ng Lingang Area, isang bagong bahagi ng China (Shanghai) Pilot Free Trade Zone.
Ayon sa plano, ang bagong lugar na ito ay patatakbuin batay sa mga pamantayan ng mga pinakamodernong free trade zone na kinikilala sa buong daigdig. Susubukin din dito ang mga bagong sistema at punksyon, lalung-lalo na sa aspekto ng liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan. Layon nitong buuin ang modelo para sa ibayo pang pagbubukas ng Tsina sa labas, dagdag ng plano.
Salin: Liu Kai