|
||||||||
|
||
Ang Shanghai ay nagsisilbing pinto ng larangang pinansiyal ng Tsina sa labas. Sapul nang magsimula ang kasalukuyang taon, aktibong isinasakatuparan ng Shanghai ang pangako ng pamahalaang Tsino na pag-ibayuhin pa ang pagbubukas sa labas, at pinapasulong ang pagbubukas ng kooperasyon sa larangang pinansiyal upang mapasulong ang mas de-kalidad na pag-unlad nito sa pamamagitan ng mataas na lebel ng pagbubukas.
Ang pagtatatag ng Shanghai bilang pandaigdigang sentrong pinansiyal ay estratehiyang pang-estado ng Tsina. Upang ibayo pang itampok ang pinansiya bilang pangunahing papel ng lunsod ng Shanghai, sa taong ito, binalangkas ng Shanghai ang katugong plano kung saan nilinaw ang road map at timetable sa nasabing estratehiya. Isinalaysay ni Guo Yu, opisyal ng Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Shanghai, na hanggang sa kasalukuyan, unti-unting isinasakatuparan ang planong ito, at natamo ang positibong bunga.
Napag-alamang noong unang hati ng kasalukuyang taon, umabot sa 21.5 bilyong dolyares ang napagkasunduang pondong dayuhan ng Shanghai. Ito ay mas malaki ng 18.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Malinaw ang tunguhin ng pagtaas nito.
Ipinahayag pa ni Guo na mapapatingkad ng pagbubukas ng industriyang pinansiyal ang napakahalagang papel para sa pag-unlad ng Shanghai. Ibayo pang palalawakin ng Shanghai ang lebel ng pagbubukas sa labas ng larangang ito, aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |