Sa okasyon ng ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shanghai Pilot Free Trade Zone (FTZ), inilabas nitong Martes, Agosto 6, ng Tsina ang panlahat na plano para sa pagtatatag ng bagong lugar ng FTZ. Ang bagong lugar na tinatawag na Lingang area ay matatagpuan sa timog-silangan ng Shanghai. Ito'y may saklaw na 119.5 kilometro kuwadrado.
Batay sa plano, ang bagong seksyon ng Shanghai FTZ ay magpapaginhawa ng daloy ng mga dayuhang puhunan at kapital at magpapatupad sa malayang daloy ng mga paninda. Bukod dito, paiiralin din ang preperensyal na sistema ng pagbubuwis para sa mga bahay-kalakal ng integrated circuit, artificial intelligence, biomedicine, civil aviation at iba pa. Sa taong 2035, maitatatag ang Lingang area bilang mahalagang plataporma na may pamantayang pandaigdig para makisalamuha ang Tsina sa globalisasyong pangkabuhayan.
Sa preskon nang araw ring iyon, sinabi ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina na ang pagtatatag ng Lingang area ay isa pang pangunahing estratehikong desisyon ng pamahalaang Tsino para ibayo pang magbukas sa labas.
Salin: Jade
Pulido: Rhio