|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw, Agosto 9, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang preskon hinggil sa pagpapahupa ng karalitaan sa Guizhou, lalawigan sa dakong timog-kanluran ng bansa, sa pamamagitan ng intangible na pamanang kultural.
Sa 20 milyong kababaihan ng Guizhou, 65% sa kanila ang naninirahan sa kanayunan. Noong 2013, upang matulungan ang mga kababaihan sa kanayunan na makaalpas sa kahirapan, inilunsad ng Guizhou ang proyekto ng pagsuporta sa mga babae sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga intangible na pamanang kultural.
Produktong burda, gamit ang sinulid at buhok sa buntot ng kabayo (sa itaas), at produktong batik (sa ibaba)
May mahigit 2,000 taong kasaysayan ang burda ng etnikong grupo ng Shui ng Guizhou, gamit ang sinulid at buhok sa buntot ng kabayo. Noong 2006, inilakip ito sa listahan ng pambansang intangible na pamanang kultural ng Tsina. Si Wei Taohua, residente ng Barangay Yangliu mula sa Sandu Shui Autonomous County ay tagapagmana ng nasabing burda. Ani Wei, mabentang mabenta sa buong bansa ang mga produktong burda ng kanyang nayon. Sa kasalukuyan, ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng Yangliu, dagdag pa ni Wei.
Si Wei Taohua
Mga produktong burda
Ang batik ng etnikong grupo ng Miao ay isa pang pambansang intangible na pamanang kultural ng Guizhou. Si Yang Fang ay tagapamana ng batik mula sa Danzhai County, Guizhou. Sinabi ni Yang na noong 2009, itinatag nila ang kooperatiba para matulungan ang mahihirap na kababaihan at pamilya sa pamamagitan ng batik. Aniya, sa suporta ng pamahalang lokal, iniluluwas din sa mga bansang dayuhan ang kanilang produktong batik.
Si Yang Fang
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |