Kulim, Malaysia — Inilabas kamakailan ng Pandaigdigang Porum ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tungkol sa Confucianism ang pormal na bersyon ng "Kulim Declaration."
Anang deklarasyon, ang mga bunga na dala ng pagpapalitang pangkaisipan sa sangkatauhan, ay nakakapagpasulong sa pagkakaibigan, harmoniya, at katatagan ng mga tao, at naggagarantiya sa proseso ng pag-unlad ng lipunan ng sangkatauhan. Bunga ng pagpapalitan ng sibilisadong sistema ng iba't-ibang nasyon na gaya ng sibilisasyon ng Nasyong Tsino at confucianism, kasalukuyang itinutuloy sa iba't-ibang lugar ng Tsina at ASEAN ang dibersipikadong pamanang pangkatalinuhan.
Nanawagan din ang deklarasyon na dapat igalang ang ginagawang pagsisikap ng iba't-ibang bansa at nasyon sa pangangalaga sa dibersidad ng kanilang kultura, at sibilisadong diyalogo para mapigilan ang pagkalat ng ekstrimismo at terorismo, at mapangalagaan ang mga mamamayang lokal.
Salin: Lito