|
||||||||
|
||
Ang 41 taong gulang na magsasaka na si Zhao Yong ay galing sa Fuhe Village, Guiping City, Guangxi Province, sa dakong timog ng Tsina. Noong 2015, bumalik si Zhao sa lupang-tinubuan at nagbukas sariling pagawaan ng seramiks, makaraang magtrabaho sa Guangdong Province bilang migrant worker. Kabilang sa mga produkto ng pabrika ni Zhao ang mga baso, lamesa at upuang seramiko.
Salamat sa suportang pinansyal ng pamahalaang lokal, 12 taga-nayon ang nagtatrabaho sa pabrika ni Zhao, at umaabot sa mahigit 3,000 yuan RMB (425 U.S. dollars) ang kanilang buwanang suweldo. Umaasa si Zhao na palalawakin pa ang negosyo para matulungan ang mas maraming kababayang makaalpas sa karalitaan.
Si Zhao habang kinukulayan ang isang basong seramiko
Si Zhao habang nag-aaral ng disenyo ng parteno ng mga produktong seramiko
Si Zhao habang nagtuturo ng isang katrabaho sa pabrika
Si Zhao habang nagtuturo sa kanyang anak na babae sa paglalagay ng decal sa isang basong seramiko
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Xinhua
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |