Ayon sa isang preskong idinaos nitong Miyerkules, Hulyo 31, 2019 ng Pambansang Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, walang humpay na pinabibilis ang konstruksyon ng China-ASEAN Information Harbor. Mula taong 2018 hanggang 2025, ang naturang konstruksyon ay mayroong mahigit 90 proyektong nagkakahalaga ng mahigit 75 bilyong Yuan RMB.
Dahil dito, unti-utning lumilitaw ang estratehikong katayuan at papel ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina sa pagpapaunlad ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nitong nagdaang 19 taong singkad, ang ASEAN ay nagsisilbi bilang pinakamalaking trade partner ng Guangxi.
Ayon pa sa nasabing preskon, gaganapin sa Nanning, punong lunsod ng Guangxi, ang Ika-16 na China-ASEAN Expo (CAExpo) mula Setyembre 20 hanggang 23.
Salin: Lito