Ngayong araw ay ika-74 na anibersaryo ng pagsuko ng Hapon noong World War II. Sa isang seremonyang idinaos ngayong araw ng pamahalaang Hapones bilang paggunita sa okasyong ito, ipinahayag ni Emperador Naruhito ang malalim na pagsisisi sa pananalakay ng hukbong Hapones sa mga kapitbansang Asyano. Ipinagdasal din niyang huwag maulit ang pinsalang dulot ng digmaan.
Lumahok sa seremonya ang mahigit 6,500 tao na kinabibilangan ni Punong Ministro Shinzo Abe, mga puno ng mababa at mataas na kapulungan, at mga kamag-anak ng mga sundalo.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Abe ang pagsasaisip ng aral na pangkasaysayan, pero, wala siyang nabanggit na responsibilidad ng Hapon sa kapinsalaan sa mga nabiktimang bansang Asyano.
Salin: Jade
Pulido: Mac