Ipinahayag ng Tsina ang pagtutol sa pagpapadala ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ng abuloy sa Yasukuni Shrine, kung saan nakadambana ang mga kriminal ng digmaang mapanalakay ng Hapon sa mga bansang Asyano noong World War II (WWII).
Winika ito ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Agosto 15, araw ng ika-74 na anibersaryo ng pagsuko ng Hapon noong WWII. Ipinadala ni Abe ang sakripisyong salapi sa Yasukuni samanatalang ilang miyembro ng gabinete at parliamento ng Hapon ang nagbigay-galang sa dambana.
Diin ni Hua, ang naturang negatibong aksyon sa pangunguna ni Abe ay muling nagpakita ng maling pakikitungo sa kasaysayang mapanalakay ng ilang mataas na opisyal Hapones. Hinimok ni Hua ang panig Hapones na taos-pusong sundin ang pangako nito at mabawi ang tiwala ng mga nabiktimang bansang Asyano at iba pang mga bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac