Inaprobahan kamakailan ng pamahalaang Amerikano ang pagbebenta sa Taiwan ng mga F-16V fighter na nagkakahalaga ng 8 bilyong Dolyares, at isusumite ang planong ito sa Kongreso. Kaugnay nito, sinabi kahapon, Lunes, ika-19 ng Agosto 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng kanyang bansa ang naturang plano, at hinihiling sa panig Amerikano na agarang kanselahin ito.
Inulit din ni Geng, na ang pagbebenta ng Amerika ng mga sandata sa Taiwan ay grabeng paglabag sa prinsipyong Isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika. Ito rin ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, at pumipinsala sa soberanya at interes sa seguridad ng bansa, diin niya.
Salin: Liu Kai