Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Anumang tangkang isapulitika ang isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, tiyak na mabibigo

(GMT+08:00) 2019-08-20 16:38:31       CRI

Sa talumpating binigkas nitong Lunes, Agosto 19, 2019 sa Detroit Economic Club, ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Michael Pence ng Amerika na "lubos na iginagalang ng panig Amerikano ang mga mamamayang Tsino," at hindi ito umaasa sa pagkapinsala sa pamilihang Tsino. Ngunit, kung nais magkasundo ang panig Amerikano at Tsino sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, dapat aniyang tupdin ng panig Tsino ang iba't-ibang nagawa nitong pangako na kinabibilangan ng paggalang sa kabuuan ng batas ng Hong Kong batay sa nilagdaang "Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya" noong 1984.

Talagang mapagkunwari at baligho ang nasabing pananalita ni Pence. Bastos at lantarang isinapulitika ng Amerika ang isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, at lantaran itong nanghimasok sa suliraning panloob ng Tsina para dagdagan ang presyur laban sa Tsina. Napakasama ng hangarin nito!

Kung babalik-tanawin ang proseso ng Sino-American trade talks nitong isang taong nakalipas, ang bawat pag-urong ay nag-ugat sa pagtaliwas ng panig Amerikano sa konsenso, pababagu-bago, at pagbalewala sa tiwala nito. Kasabay ng paggamit ng "tariff stick" sa pagpinsala sa iba at sarili, kunwari nitong idineklara ang paggalang sa mga mamamayang Tsino at hindi tiningnan ang pagkakapinsala sa pamilihang Tsino. Nagiging di-magkapareho ang sinasabi at ginagawa ng ilang personaheng Amerikano na tulad ni Pence, at tunay itong mapagkunwari!

Mula direktang pakikipag-ugnayan sa isyu ng Hong Kong maging sa kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, hanggang sa pagdeklara nitong ibebenta ang F-16V fighter planes na nagkakahalaga ng 8 bilyong dolyares sa Taiwan, at sa pagbabawal sa mga Twitter at Facebook accounts na sumusuporta sa posisyon ng pamahalaang sentral ng Tsina sa isyu ng Hong Kong, inalis na ng ilang personaheng Amerikano ang kanilang kunwaring mukha na umano'y kampi sila sa pantay na kalakalan at malayang pagsasalita. Ginagamit din nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapigilan ang Tsina, at sa likod nito'y kanilang labis na pagkagalit sa di-pananalo sa trade war sa Tsina, pati na ang kanilang agam-agam at takot sa pagtaas ng panganib ng resesyon ng kabuhayang Amerikano.

Ngunit, matatandaan ang mga katotohanan na naganap nitong mahigit isang taong nakalipas na walang anumang kuwenta ang pagpataw ng sukdulang presyur laban sa Tsina, dahil dinagdagan lamang ng hadlang ang paglutas sa mga problema. Nakahanda ang panig Tsino na sa pundasyon ng pagkakapantay-pantay at paggagalangan sa isa't-isa, isagawa ang pakikipagsanggunian sa panig Amerikano, ngunit hindi ito yuyukod sa kahit anong mahalagang isyung may prinsipyo.

Hinding hindi hahanapin ng Tsina ang pag-unlad ng sarili sa kapinsalaan ng kapakanan ng ibang bansa, at hinding hindi rin nito itatakwil ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan. Tiyak na mabibigo ang anumang tangkang isapulitika ang isyung pangkabuhayan at pangkalakalan!

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>