Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Amerika, dapat itigil ang panghimasok sa mga suliranin ng Hong Kong — Tsina

(GMT+08:00) 2019-08-06 13:52:11       CRI

Sa isang magkakasanib na liham na ipinadala ng mga kaukulang departamentong Amerikano kay Mike Pompeo, Kalihim ng Estado, at Wilbur L. Ross, Kalihim ng Komersyo ng Amerika, kung saan hinimok nila ang pamahalaan na huwag magkaloob ng suporta sa "crackdown" ng "mapayapang demonstrasyon" sa Hong Kong. Ipinahayag din nila sa liham ang pagtutol sa pagtuturing sa kilos protesta sa Hong Kong bilang "riot."

Kaugnay nito, muling hinimok nitong Lunes, Agosto 5, 2019, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang panig Amerikano na agarang itigil ang panghihimasok sa mga suliranin ng Hong Kong. Diin niya, di-dapat maliitin ng sinuman ang matatag na determinasyon ng panig Tsino sa pagpapatupad ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at pangangalaga sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.

Ipinahayag ni Hua na ang mga pananalita ng ilang kaukulang personaheng Amerikano ay nagbabaligtad ng itim at puti, at mayroon silang mapanganib at masamang hangarin. Buong tatag itong tinututulan ng panig Tsino, aniya.

Sinabi ni Hua na nilusob ng mga radikal at marahas na ralyista ang Legislative Council, lantaran nilang sinira ang mga pampublikong instalasyon, hinarang ang mga pampublikong transportasyon, ilegal na itinago ang mga mapanganib na bagay at sandata, sinalakay ang mga pulis, at siniraang-puri ang pambansang watawat. Ang mga aksyong ito ay labis na lumampas sa bottom line ng isang sibilisadong lipunan, grabeng lumalapastangan sa batas ng Hong Kong, at grabeng nagsasapanganib sa seguridad ng buhay at ari-arian ng mga residente ng Hong Kong, mariing pahayag ni Hua.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>