Ayon sa pahayag na inilabas Lunes, Agosto 19, 2019 ng Pentagon, nitong Linggo, nagsubok-lunsad sa Estadong California ang Amerika ng isang conventional ground launched cruise missile. Ito ang kauna-unahang pagkakataong hayagang ipinatalastas ng Amerika ang pagsubok-lunsad ng missile na ipinagbabawal ng Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty (INF Treaty), sapul nang tumalikod ito sa nasabing kasunduan.
Saad ng Pentagon, tinamaan ng nasabing missile ang target pagkatapos ng mahigit 500 kilometrong paglipad. Ang datos na kinuha sa pagsubok-lunsad ay gagamitin para sa pagdedebelop ng intermediate-range missile ng Amerika sa hinaharap.
Salin: Vera