Sa kanyang panayam sa TV channel na Russia-24, ipinahayag Sabado, Agosto 17, 2019 ni Sergey Shoygu, Ministro ng Depensa ng Rusya, na kahit pormal na tumalikod ang Amerika sa Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty (INF Treaty), nakahanda ang Rusya na patuloy na makipagdiyalogo sa Amerika sa isyu ng intermediate at short-range missile.
Ani Shoygu, bukas ang pinto ng talastasan ng panig Ruso, at bago lumitaw ang intermediate at short-range missile system sa Europa, hindi isasagawa ng Rusya ang katugong hakbangin. Samantala, magkapareho rin aniya ang paninindigan ng panig Ruso sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.
Salin: Vera