|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Martes, Agosto 20, 2019 ng DoCoMo, pinakamalaking Japanese telecommunication operator, na mula Agosto 21 ay tatanggapin nila ang mga orders ng Huawei smart phone na P30 Pro.
Ayon sa naunang plano ng DoCoMo, pormal na nagsimulang ibenta ang P30 Pro nitong tag-init ng kasalukuyang taon. Ngunit dahil sa kapasiyahan ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika na papatawan ng limitasyon ang pagluluwas ng mga Huawei export, ipinatalastas noong nagdaang Mayo ng DoCoMo ang pagpapaliban sa pagbebenta ng Huawei phones.
Sa kasalukuyan, bukod sa DoCoMo, ang Huawei smart phones ay ibinebenta rin ng dalawa pang Japanese telecommunication operators na KDDI at Softbank.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |