Ipinasiya kahapon, Lunes, ika-19 ng Agosto 2019, ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika, na palawigin pa nang 90 araw ang pansamantalang permiso para sa negosyo sa tech giant Huawei ng Tsina.
Ayon sa naturang kagawaran, sa loob ng 90 araw simula ng Agosto 19, kung may nabanggit na permiso, puwedeng isagawa ng mga kompanyang Amerikano ang pagluluwas, muling pagluluwas (reexport), at paglilipat ng mga partikular at limitadong uri ng produkto o teknolohiya sa Huawei at mga sangay nito sa labas ng Amerika. Ang desisyong ito ay para magbigay ng mas maraming panahon sa mga mamimiling Amerikano, para hindi silang magkaroon ng kaguluhan pagkaraang umurong sa paggamit ng mga produkto o serbisyo ng Huawei, dagdag ng panig Amerikano.
Salin: Liu Kai