Patuloy ang biyahe ng paglalakbay-suri ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Lalawigang Gansu.
Martes, Agosto 20, 2019, bumisita si Xi sa Jiayu Pass, at pinakinggan niya ang pagsalaysay tungkol sa kasaysayan at kultura ng Great Wall at Hexi Corridor. Diin niya, dapat pahalagahan ang pangangalaga at pagmamana ng kasaysayan, kultura at diwa ng nasyong Tsino.
Naglakbay-suri rin si Xi sa Zhangye City, at bumisita sa isang vocational school sa lokalidad. Aniya, ang kabuhayang Tsino ay depende sa suporta ng real economy, at kinakailangan nito ang maraming propesyonal na talento, kaya napakalaki ng espasyo ng pag-unlad ng vocational education.
Sa kanyang paglalakbay-suri sa isang horse ranch sa Qilian Mountains, binigyang-diin ni Xi ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal. Aniya, ang Qilian Mountains ay mahalagang hangganan ng seguridad na ekolohikal sa dakong kanluran ng bansa, at itinuturing na pambansang estratehiya ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal.
Salin: Vera