Kaugnay ng pagbebenta ng Amerika ng F-16V fighter jets sa Taiwan, ipinahayag Huwebes, Agosto 22, 2019, ni Ma Xiaoguang, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho sa mga Suliranin ng Taiwan, na sa kabila ng matinding pagtutol ng panig Tsino, sinadyang ibenta ng Amerika ang mga armas sa Taiwan at bastos itong nanghimasok sa suliraning panloob ng Tsina, at lantaran nitong nilabag ang prinsipyong "Isang Tsina" at mga tadhana ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika. Ang mga ito aniya ay grabeng nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano, sumisira sa relasyon ng magkabilang pampang at kapayapaan at katatagan sa Taiwan Straits.
Ani Ma, muling hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang arms deal sa Taiwan at masamang kilos nitong sumusuporta sa separatistang puwersa ng "pagsasarili ng Taiwan."
Salin: Lito