|
||||||||
|
||
Nitong Miyerkules, Agosto 21 (Beijing time), 2019, pormal na ipinagbigay-alam ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Amerika sa Kongreso na plano nitong ibenta sa Taiwan ang 66 na F-16 fighter jets at kaukulang kagamitan at suporta na nagkakahalaga ng 8 bilyong dolyares.
Bilang tugon, ipinahayag nitong Miyerkules ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang buong tinding pagtutol ng panig Tsino hinggil dito. Aniya, isasagawa ng Tsina ang lahat ng kinakailangang hakbanging kinabibilangan ng pagpataw ng sangsyon sa mga kasangkot na kompanyang Amerikano para mapangalagaan ang sariling kapakanan.
Diin din ni Geng, hinding hindi nagbabago ang determinasyon ng panig Tsino sa pangangalaga sa sariling soberanya, unipikasyon, at seguridad.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |