Idinaos kahapon, Huwebes, ika-22 ng Agosto 2019, sa Moscow, Rusya, ang Ika-8 Diyalogo ng mga Ministro ng Pananalapi ng Tsina at Rusya. Nangulo sa diyalogo sina Liu Kun, Ministro ng Pananalapi ng Tsina, at Anton Siluanov, Ministro ng Pananalapi ng Rusya.
Nagpalitan ang dalawang panig ng palagay hinggil sa kalagayan at mga patakaran ng makro-ekonomiya ng dalawang bansa, at mga panlabas na elementong nakakaapekto sa paglaki ng kabuhayan. Ipinangako nilang pasulungin ang kooperasyon ng pamilihang pinansyal ng dalawang bansa, at pandaigdig na kooperasyon sa pagkakaloob ng pondo para sa transnasyonal na pagbabawas at pagpigil ng kapahamakan. Nilagdaan din ng dalawang bansa ang mga dokumentong kinabibilangan ng memorandum hinggil sa kooperasyon sa mga tuntunin ng pagkukuwenta, memorandum hinggil sa kooperasyon sa pagsusuperbisa sa pag-audit, at iba pa.
Salin: Liu Kai