|
||||||||
|
||
Nitong Miyerkules, Hunyo 5 (local time), 2019, nagtagpo sa Moscow sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya kung saan nagkaroon sila ng maraming mahalagang pagkakasundo sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Kaugnay nito, isinalaysay ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa larangan ng kalakalan, lumagda ang Ministri ng Komersyo ng Tsina at Ministri ng Pag-unlad ng Kabuhayan ng Rusya sa "Memorandum Tungkol sa Pagpapasulong ng Bilateral na Kalakalan sa Mataas na Kalidad" kung saan malinaw na iniharap ang hangaring pasusulungin ang pag-abot sa 200 bilyong dolyares ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa.
Sa larangan ng agrikultura, sinabi ni Gao na lumagda ang mga Ministri ng Komersyo at Ministri ng Agrikultura ng dalawang bansa sa "Plano ng Pagpapalalim ng Kooperasyong Sino-Ruso sa Soybean," bagay na nakapaglatag ng mahalagang pundasyon para mapalawak at mapalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa soybean trade.
Bukod dito, lumagda ang dalawang panig sa mahigit sampung kasunduang pangkooperasyon na sumasaklaw sa mga larangang tulad ng enerhiyang nuklear, natural gas industry, paggawa ng sasakyang de motor, konstruksyon ng high-tech zone, pagpapalalim ng kooperasyon sa 5G technology, at iba pa.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |