Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Miyerkules, Agosto 28, 2019 kay Punong Ministro Abdulla Aripov ng Uzbekistan, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagpapaunlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Uzbekistan ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Kung pananatilihin ang relasyon ng dalawang bansa sa tumpak na landas, tiyak na maisasakatuparan ang iba't-ibang hangaring pangkooperasyon ng dalawang panig, aniya.
Ipinagdiinan ni Xi na dapat patuloy na pasulungin ng Tsina at Uzbekistan ang magkasamang konstruksyon ng "Belt and Road," at dapat ding palalimin ang konektibidad ng dalawang panig, palawakin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, at enerhiya.
Ipinagdiinan pa niya ang kahandaan ng panig Tsino na palakasin ang pakikipagkoordinahan at pakikipagtulungan sa Uzbekistan sa mga suliraning pandaigdig para mapangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang bansa, proteksyunan ang multilateralismo, at mapasulong ang demokrasya ng relasyong pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Aripov na magsisikap ang Uzbekistan kasama ng Tsina, upang maisakatuparan ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa. Buong tatag aniyang kinakatigan ng Uzbekistan ang panig Tsino sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, at unpikasyon ng bansa.
Salin: Lito