|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng nasabing namamahalaang tauhan na mataas na pinahahalagahan ng CEA ang reklamo mula sa mga senior citizens na kinilalang sina Linda Varela Guce, Josefina Varela Baysic, at Pacita Varela De Guzman, agarang ini-check ang kanilang customer service at guarantee system sa abnormal weather. Sa susunod, magsisikap sila para mapataas ang patnubay at assistance sa mga pasaherong may espesyal na pangangailangan at pag-kalinga.
Noong Agosto 9, dahil sa masamang panahong dinulot ng bagyong Lekima, sa halip ng Shanghai, kailangang mag-land sa Wuhan Tianhe International Airport sa Hubei Province ng Tsina ang flight sinakyan ng mga senior citizens. Kinagabihan, inayos ng CEA ang flight para ihatid ang lahat ng pasahero sa Shanghai at ipinagkaloob ang walang-bayad ng accommodation, pagkain, international phonecall at WIFI connection sa mga pasahero hanggang manumbalik sa normal ang mga flight noong Agosto 11. Pero, dahil sa kalituhan ng mga naturang elderly sa operation conditions at check-in procedures, nakabalik lamang sila sa Pilipinas noong Agosto 20.
Ulat: Sissi Wang
Pulito: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |