|
||||||||
|
||
Ala-1:20 am, Hunyo 19, 2019, kasabay ng ligtas na paglapag ng Flight MU2099 sa Yangon International Airport ng Myanmar, matagumpay na nabuksan ang pandaidigang rutang panghimpapawid mula Shanghai hanggang Yangon na naisaoperasyon ng China Eastern Airlines (CEA).
Ipinahayag ni Chen Jinsong, Manager ng CEA branch sa Myanmar, na bunsod ng pagsasaoperasyon ng nasabing direktang linyang panghimpapawid, naikonekta ang nasabing dalawang lunsod na makakapagbigay ng mas malaking ginhawa sa pagpapalagayang komersyal at panturista ng mga mamamayan at makakapagpalalim sa pagpapalitang pangkultura, pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat, ang Airbus A320 ang gamit na eroplano sa nasabing linya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |