Ipinatalastas Biyernes, Agosto 30, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng kanyang North Korean counterpart na si Ri Yong Ho, bibisita sa Hilagang Korea si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina mula Setyembre 2 hanggang 4 ng kasalukuyang taon.
Kaugnay ng situwasyon ng Korean Peninsula, ipinahayag ni Geng ang kahandaan ng panig Tsino na patingkarin ang konstruktibong papel para maisakatuparan ang hangarin ng ligtas na Korean Peninsula sa nuklear at pangmalayuang katatagan at kapayapaan sa rehiyong Hilagang Silangang Asya.
Salin: Li Feng