Nagtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, ngayong tanghali, local time, sa Osaka, Hapon, sa sidelines ng G20 Summit. Sa kanilang pag-uusap, ipinahayag ni Xi ang pagkatig ng Tsina sa pagpapanatili ng diyalogo at pag-uugnay sa pagitan ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea (DPRK). Umaasa si Xi na magpapakita ang Amerika at Hilagang Korea ng plesibilidad para mapanumbalik ang diyalogo sa lalong madaling panahon at malutas ang pagkabahala ng isa't isa. Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina na patuloy na gumanap ng konstruktibong papel para rito.
Ipinahayag naman ni Trump ang pagpapahalaga ng panig Amerikano sa mahalagang papel ng Tsina sa isyu ng Korean Peninsula. Nakahanda aniya ang Amerika na panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina hinggil dito.
Salin: Jade
Pulido: Mac