Nitong Miyerkules, Setyembre 4, 2019, nangulo si Premyer Li Keqiang sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Konseho ng Estado ng bansa kung saan hinirang si Ho Iat Seng bilang ika-5 Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR). Manunumpa sa kanyang tungkulin si Ho Iat Seng sa Disyembre 20 ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Li na patuloy at buong tatag na tutupdin ng pamahalaang sentral ang patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," "Pamamahala ng mga Taga-Macao sa Macao," at mataas na antas ng awtonomiya. Buong sikap din nitong sinusuportahan ang pamahalaan at Punong Ehekutbio ng Macao SAR sa pangangasiwa alinsunod sa batas, pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpapasulong ng harmoniya, dagdag pa ng premyer Tsino.
Salin: Lito