Hanoi, Biyetnam—Ipinahayag Miyerkules, Setyembre 4, 2019 ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na ang pagpapatalastas kamakailan ng panig Amerikano ng ibayo pang pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga iniluluwas na panindang Tsino sa Amerika ay taliwas sa pangako ng panig Amerikano sa "hindi pagpapataw ng bagong karagdagang taripa sa mga panindang Tsino," sa mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa kanilang pagtatagpo sa Osaka. Aniya, ang unilateral at hegemonistikong proteksyonismong pangkalakalan at maximum pressure ng panig Amerikano ay hindi lamang nakapinsala sa kapakanan ng panig Tsino, nagbunga ng grabeng epekto sa international industrial chain at value chain, kundi hinayaan din ang rehiyon at daigdig na humarap sa panganib ng resesyon ng kabuhayan.
Dagdag ni Huang, sa epekto ng trade war na inilunsad ng Amerika, bumaba ang pagluluwas ng maraming kasaping bansa ng ASEAN, bumagal ang paglago ng kabuhayan, at ibayo pang lumaki ang presyur sa pagbaba ng kabuhayan. Diin niya, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pakikipagkoordina sa iba't ibang panig na kinabibilangan ng ASEAN, magkasamang tutulan ang unilateralismo at proteksyonismo, pabilisin ang talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at konstruksyon ng rehiyonal na sona ng malayang kalakalan, at pasulungin ang pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera