Buong tinding kinondena ngayong araw, Sabado, ika-7 ng Setyembre 2019, ng tagapagsalita ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ang pagsasagawa mula kahapon ng hapon hanggang kagabi ng mga radikal na protesdator ng mga marahas at nakapipinsalang aksyon sa ilang lugar na gaya ng Prince Edward, Mong Kok at Yau Ma Tei.
Ayon sa nabanggit na tagapagsalita, sinalakay ng mga radikal na protesdator ang mga istasyon ng pulisya, sinira ang mga pasilidad na pampubliko at istasyon ng subway, at isinagawa ang panununog sa naturang tatlong lugar. Ang mga aksyong ito aniya ay nakapinsala sa katahimikan ng lipunan, nakaapekto sa mga serbisyong pampubliko, nagbanta sa kaligtasan ng mga mamamayan, at lumapastangan sa kanilang kapakanan.
Salin: Liu Kai