Humarap sa publiko Miyerkules, Setyembre 4, 2019 si Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at iniharap ang 4 na hakbang para lutasin ang kasalukuyang kaguluhan.
Ang nasabing 4 na hakbang ay kinabibilangan ng: i-uurong ang sinusugang batas ng ekstradisyon, pagkaraang panubalikin ang Legislative Council; puspusang kakatigan ang mga gawain ng Independent Police Complaints Council; mula Setyembre, bibisita sa mga komunidad ang punong ehekutibo at mga direktor ng lahat ng mga departamento, para makipagdiyalogo sa mga residente, at talakayin ang kalutasan; at aanyayahan ang mga lider ng lipunan, dalubhasa at iskolar para sarilinang pag-aralan ang mga isyung panlipunan sa malalimang antas, at iharap ang mga mungkahi sa pamahalaan.
Ani Lam, ang tuluy-tuloy na karahasan ay nakakasira sa pundasyon ng pangangasiwa batay sa batas ng Hong Kong. Aniya, ang karahasan ay hindi kalutasan sa mga problema, at ang pinakapangkagipitan ngayon ay pagpigil sa karahasan, pangangalaga sa pangangasiwa alinsunod sa batas, at pagpapanumbalik ng kaayusang panlipunan.
Salin: Vera