Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Setyembre 12, 2019 kay Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan, ipinahayag ni Li Zhanshu, Pangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na nakahanda ang NPC na magsikap kasama ng Kazakh parliament para makalikha ng mainam na kapaligirang pambatas sa kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Tokayev na ang kooperasyong lehislatibo ng Kazakhstan at Tsina ay mahalagang bahagi ng pangmatagalan, komprehensibo, at estratehikong partnership ng dalawang bansa. Aniya, kinakatigan ng kanyang bansa ang pagpapalalim ng pagtutulungan at pagpapalitan ng mga organong lehislatibo ng dalawang bansa.
Salin: Lito