Kinatagpo Hunyo 7, 2018 dito sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Nursultan Nazarbayev, dumadalaw na Pangulo ng Kazakhstan. Sinang-ayunan nilang ibayo pang pahigpitin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at magkasamang magsikap para sa pambansang pag-ahon ng kani-kanilang bansa.
Binigyan-diin ni Xi na laging matatag na kumakatig ang Tsina sa mga patakarang diplomatiko at panloob ng Kazakhstan, at nakahanda ang Tsina na palalimin ang kooperasyon ng dalawang panig para magbigay-dagok sa "tatlong puwersa", terrorismo, separatismo, at ekstrimismo, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon.
Ani Xi, 5 taon ang nakaraan, iniharap niya sa kauna-unahang pagkakataon ang mungkahi ng "Silk Road Economic Belt" sa kaniyang unang pagdalaw sa Kazakhstan. Nitong 5 taong nakalipas, ang kooperasyon ng Tsina at Kazakhstan ay pumasok na sa bagong yugto na may malalim na integrasyon at mutuwal na promosyon.
Nakahanda rin aniya ang Tsina na palakasin ang koordinasyon ng dalawang panig para mapasulong ang kooperasyon ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa iba't ibang larangan.
Ipinahayag ni Nazarbayev na ang Tsina ay mapagkaibigang kapitbansa at mahalagang partner ng kanyang bansa. Pinahahalagahan ng Kazakhstan ang relasyon sa Tsina. Kumakatig ang kanyang bansa sa pag-unlad ng Tsina dahil ito ay nagbibigay rin ng mga pagkakataon para sa Kazakhstan. Nakahanda aniya palakasin ang pag-uugnay ng bagong patakarang pangkabuhayan ng kanyang bansa at Belt and Road Initiative, at palalimin ang kooperasyon ng Kazakhstan at Tsina sa iba't ibang larangan.