|
||||||||
|
||
Idinaos Miyerkules, Setyembre 25, 2019 sa distritong Daxing, Beijing ang seremonya ng operasyon ng Beijing Daxing International Airport. Sa pagdalo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ipinatalastas niya ang pormal na pagtakbo ng paliparang ito.
Kasama ng Beijing Capital International Airport, puspusang itatatag ng dalawang paliparan ang sistemang pantransportasyong may maalwang pagtakbo at mabisang pag-organisa. Ang mga ito ay modernong tulay ng abiyasyong pandaigdig na konektado sa buong daigdig.
Matatagpuan ang Beijing Daxing International Airport sa distritong Daxing ng Beijing at lunsod Langfang ng probinsyang Hebei ng Tsina. Abot sa 450 bilyong dolyares ang kabuuang gastos nito. Sumasaklaw ang mga biyahe nito sa 112 destinasyon sa buong mundo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |