|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati nitong Martes, Setyembre 24, 2019 sa pangkalahatang debatehan ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), maraming beses na binatikos ni US President Donald Trump ang Tsina sa hindi nito pagtupad sa mga pangako bilang miyembro ng World Trade Organization (WTO). Umaasa rin aniya siyang maayos na malulutas ng panig Tsino ang isyu ng Hong Kong.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing Miyerkules ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi angkop na okasyon ang Pangkalahatang Asemblea ng UN upang batikusin at manghimasok sa suliraning panloob ng ibang bansa.
Ipinahayag ni Geng na ang pangkalahatang debatehan ng Pangkalahatang Asemblea ng UN ay isang mahalagang plataporma kung saan nagpapalabas ang mga kasaping bansa ng UN ng kanilang opinyon at nagpapalitan ng kani-kanilang palagay tungkol sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig. Ito rin aniya ay isang mahalagang pagkakataon kung saan tinatalakay ang hinggil sa pangangalaga sa multilateralismo, pagpapasulong ng paglutas sa mga maiinit na isyung panrehiyon at pandaigdig, at pagharap sa iba't-ibang hamong pandaigdig, sa halip ng pananalitang bumabatikos at pakikialam sa mga suliraning panloob ng iba.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |