Sa nakasulat na panayam ng China Media Group, ipinahayag kamakailan ni Goh Chok Tong, Emeritus Senior Minister at dating Punong Ministro ng Singapore na ang pag-unlad ng Tsina ay isang walang katulad na himala sa kasaysayan.
Sinabi ni Goh na nitong nakalipas na 70 taon, kapansin-pansing paglago at pag-unlad ang natamo ng Tsina. Lalong lalo na, matagumpay na tinulungan ng Tsina ang mahigit 850 milyong mamamayan na makahulagpos sa kahirapan, ito ay isang napakalaking himala na walang katulad sa kasaysayan. Aniya, ang Tsina ngayon ay isa sa mga pangunahing makina ng paglago ng kabuhayang pandaigdig. Ang paglago ng kabuhayan nito ay hindi lamang nakapagpasulong sa pag-unlad ng iba't ibang lugar ng bansa, kundi nakapaghatid din ng maraming pagkakataong komersyal para sa mga bahay-kalakal sa loob ng rehiyon na kinabibilangan ng mga kompanyang Singaporean.
Nananalig aniya siyang patuloy na lalago ang Tsina, at gagawa ito ng mas malaking ambag para sa katatagan, kasaganaan at kaunlaran ng buong mundo.
Salin: Vera