Sa okasyon ng selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), ipinahayag ni Goh Chok Tong, Emeritus Senior Minister ng Singapore ang pagbati sa Tsina. Sa nakasulat na panayam sa China Media Group, ipinahayag din ni Goh na walang katulad sa kasaysayan ang natamong pag-unlad ng Tsina nitong pitong dekadang nakalipas. Sa kasalukuyan, katumbas ng 16% ng GDP ng daigdig ang GDP ng Tsina, dagdag pa ni Goh. Inilalarawan ni Goh ang kasalukuyang Tsina bilang modernong kabuhayan na pinapasulong ng siyensiya't teknolohiya at inobasyon. Kinikilala rin niya ang pagpapahalaga ng Tsina sa edukasyon at pagpupunyagi ng bansa sa pagpapahupa ng karalitaan.
Ipinahayag din ni Goh ang pag-asa na ibayo pang pahihigpitin ng Tsina't Singapore ang pagtutulungan sa iba't ibang larangan, sa ilalim ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para makapagbigay ng mas malaking ambag sa rehiyon.
Salin: Jade