Binuksan Biyernes, Oktubre 11, 2019 sa Shijiazhuang, Lalawigang Hebei ng Tsina, ang 2019 China International Digital Economy Expo. Nagpadala ng liham na pambati rito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Diin ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng digital economy, at aktibong pinapasulong ang digital industrialization at industry digitalization, at pinapatnubayan ang malalimang pagkakahalu-halo ng digital economy at real economy. Umaasa aniya siyang mapapalalim ng mga kalahok ang pagpapalitan at pagtutulungan, at tatalakayin ang hinggil sa paraan ng magkasamang pagtatamasa ng bunga ng pag-unlad ng digital economy, para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Salin: Vera