Ipinatalastas nitong Lunes, Oktubre 14, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng mga pamahalaan ng Indonesia at Hapon, isasagawa ni Wang Qishan, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Pangulo ng bansa, ang dalaw-pangkaibigan sa nasabing dalawang bansa. Dadalo rin siya sa seremonya ng inagurasyon ni Pangulong Joko Widodo na gaganapin sa Jakarta sa Oktubre 20, at seremonya ng pagluluklok sa trono ni Emperador Naruhito na idaraos sa Tokyo sa Oktubre 22.
Salin: Vera