|
||||||||
|
||
Matagumpay na nainstala nitong Lunes, Setyembre 30, ang unang tahilan o girder ng Jakarta-Bandung High Speed Railway. Ito ay isa pang muhon sa proseso ng kontruksyon ng nasabing kooperatibong proyekto ng Tsina't Indonesia.
Lumahok dito ang mahigit 300 panauhin mula sa iba't ibang sektor ng dalawang bansa na pinangungunahan nina Rini Soemarno, Ministro para sa mga Bahay-kalakal na Ari ng Estado ng Indonesia, at Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Indonesia.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ministro Rini, na sa konstruksyon ng Jakarta-Bandung High Speed Railway, ang panig Indones ay hindi lamang natututo ng mga teknolohiya, at pinalalakas din nito ang kompiyansa ng mga mamamayan ng Indonesia dahil bunga ng proyektong ito, magiging unang bansa ang Indonesia sa Timog-silangang Asya na magkakaroon ng high speed rail.
Sinabi naman ni Embahador Xiao, na ang Jakarta-Bandung High Speed Railway ay flagship project ng Tsina't Indonesia, sa pamamagitan ng pag-uugnay ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina at estratehiyang Global Maritime Fulcrum ng Indonesia. Umaasa si Xiao na matatapos ang proyekto sa lalong madaling panahon para makinabang dito ang mga mamamayan ng Indonesia.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |