Nitong Lunes, Oktubre 14, 2019, inilabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa food security ng Tsina. Ito ang ika-2 white paper sa food security na inilabas ng pamahalaang Tsino.
Tinukoy ng white paper na nitong nakalipas na 70 taon sapul nang itatag ang bagong Tsina, kapansin-pansing tagumpay ang natamo ng seguridad ng pagkaing-butil ng Tsina, naging mas bukas ang pamilihan ng pagkaing-butil, at gumawa ito ng napakahalagang ambag para sa pagpapalalim ng kooperasyong pandaigdig sa larangan ng pagkaing-butil at agrikultura at pangangalaga sa seguridad ng pagkain ng daigdig.
Anang white paper, batay sa sariling pagsisikap, naisakatuparan ng Tsina ang kasapatan sa pagsasaka ng pagkaing-butil, matagumpay na nalutas ang isyu ng pagkain ng halos 1.4 bilyong mamamayan, at may malinaw na pagtaas ang kalidad ng pamumuhay at lebel ng nutrisyon ng mga mamamayan.
Ipinakikita rin ng white paper na aktibong binabahaginan ng Tsina ng napakalaking pamilihan ng pagkaing-butil ang mga pangunahing bansang nagpoprodyus ng pagkaing-butil sa daigdig. Noong 2018, inangkat ng Tsina ang mahigit 20 toneladang butil at mahigit 80 milyong toneladang balatong, bagay na nakapagpasulong sa masaganang pag-unlad ng kalakalan ng pagkaing-butil ng daigdig.
Salin: Vera