Inilabas nitong Miyerkules, Oktubre 16, 2019 ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang 2019 Policy Address. Ito ang ika-3 policy address na inilabas ni Lam sa loob ng kanyang termino.
Nanawagan si Lam sa mga residente ng Hong Kong na isa-isang-tabi ang alitan, itigil sa lalong madaling panahon ang karahasan, at panumbalikin ang kaayusan ng lipunan. Aniya, pipigilan ng pamahalaan ng Hong Kong SAR, sa abot ng makakaya, ang mga ilegal na aksyon, susuportahan ang pagpapatupad sa batas ng panig pulisya, at magsisikap hangga't makakaya para makahulagpos sa mahirap na kalagayan ng lipunan.
Diin ni Lam, ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" ay pinakamagandang sistema para sa pangangalaga sa pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong. Igigiit aniya niya ang sistemang ito, hinding hindi pahihintulutan ang anumang aksyon ng pagpapalaganap ng umano'y "pagsasarili ng Hong Kong," at pagpinsala sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa.
Iniharap sa nasabing policy address ang mahigit 220 bagong hakbangin sa mga aspektong gaya ng pabahay, suplay ng lupa, pagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan, kaunlarang pangkabuhayan at iba pa.
Salin: Vera