Nagyong araw, Oktubre 17 ay ika-6 na Pambansang Araw ng Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap. Sa okasyong ito, isang eksibisyon ng nakuhang bunga ng pagbibigay-tulong sa mahirap na populasyong Tibetano ang pinasinayaan Oktubre 16 sa Lhasa na dinaluhan ng 224 na bahay-kalakal mula sa pitong lunsod (lugar) ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet.
Ayon sa datos na isinapubliko ng panig opisyal ng Tibet, hanggang noong katapusan ng nagdaang Setyembre, isinagawa ng buong Tibet ang 259 na industry-based poverty alleviation project kung saan naisakatuparan ang halos 34.8 bilyong yuan RMB na laang-gugulin dito. Bunsod nito, inalis ng mga 236 libong mahirap na populasyong Tibetano ang karalitaan sa nakatakdang panahon, at naisakatuparan ang pagpapataas ng kita ng halos 400 libong magsasaka.
Noong Agosto ng 2014, ipinasiya ng Namumunong Grupo ng Konseho ng Estado ng Tsina sa Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap na mula taong 2014, itakda ang Oktubre 17 bilang Pambansang Araw ng Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap.
Salin: Lito