Nakatakdang magbukas alas-otso ngayong gabi sa Tsina ang Ika-7 CISM Military World Games. Lalahok sa seremonya ng pagbubukas at magpapatalas ng pagsisimula ng palaro si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ang sampung araw na palaro na gaganapin sa Wuhan, punong lunsod ng Hubei, lalawigan sa dakong gitna ng Tsina, ay lalahukan ng 9,308 sundalo mula sa 109 bansa. Tatlong daan dalawampu't siyam na event ng 27 laro ang gaganapin sa Wuhan Military World Games. Ang Military World Games, kilala rin bilang Olympic Games sa larangang militar, ay primera klaseng palaro para sa mga tauhang militar mula sa buong mundo.
Sa kauna-unahang pagkakataon, i-eere ang palaro gamit ang mga sulong na teknolohiyang pantelebisyon na gaya ng 8K, 5G, at Virtual Reality (VR).
Salin: Jade
Pulido: Rhio