Sa kabila ng kahatulan ng hukuman ng Espanya, idinaos noong Oktubre, 2017 ng Rehiyong Awtonomo ng Catalonia, Espanya ang umano'y "nagsasariling" reperendum. Binawi noong huling dako ng Oktubre ng 2017 ng pamahalaan ng Espanya ang karapatan ng awtonomiya ng rehiyong ito. Noong Oktubre 14, 2019, nahatulang pagkabilanggo ng kataas-kaatsang hukuman ng Espanya ang siyam na dating mataas na opisyal na naninindigan sa pagsasarili na kinabibilangan ni Oriol Junqueras, dating Pangalawang Presidente ng Rehiyong Awtonomo ng Cataonia.
Pagkatapos nito, sumiklab ang kilos-protesta at sagupaan sa Catalonia. Sinira ng mga marahas na demonstrador ang mga pampublikong instalasyon, inatake ang mga pulis, at nasasadlak sa kaguluhan ang buong lunsod. Bilang tugon, isinasagawa ng panig pulisya ang mga kagamitang gaya ng armored vehicle upang itaboy ang mga marahas na protesdor. Di tulad sa walang humpay na pagsuporta sa mga demonstrador sa Hong Kong, batay sa kani-kanilang sariling kapakanan at hangarin, napapanatili ng maraming pamahalaan, organisasyong pandaigdig, at media ng mga bansang Kanluranin ang katahimikan sa nasabing kaguluhan. Malinaw nitong ipinakikita ang kanilang pagsasagawa ng "double standard."
Salin: Lito