|
||||||||
|
||
Idinaos Lunes, Oktubre 21, 2019 sa Beijing ang Ika-9 na Beijing Xiangshan Forum. Para rito, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati.
Tinukoy ni Xi na ang kapayapaan ay permanenteng hangarin ng sangkatauhan. Aniya, iginigiit ng Tsina ang pagpapasulong ng kooperasyon sa pamamagitan ng diyalogo, pagpapasulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng kooperasyon, at pagpapasulong ng pag-unlad sa pamamagitan ng kapayapaan.
Ipinagdiinan pa niya na ang pangangalaga sa pangmatagalang kapayapaan at katahimikan sa rehiyong Asya-Pasipiko ay angkop sa komong kapakanan ng iba't-ibang bansa sa rehiyong ito. Ito aniya ay nangangailangan ng pagkakaloob ng katalinuhan at puwersa ng mga bansa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |