|
||||||||
|
||
Isinumite kaninang umaga, Oktubre 23, 2019 ang ulat ng Konseho ng Estado tungkol sa pagpapabilis ng pagbabago at pag-u-upgrade ng kalakalang panlabas sa Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) upang suriin. Layon ng nasabing ulat na pasulungin ang pag-unlad ng kalakalang panlabas sa mataas na kalidad.
Bilang tugon sa mga kinakaharap na kahirapan sa larangan ng kalakalang panlabas, iniharap ng ulat na dapat aktibong palawakin ang pag-aangkat at aktuwal na pabutihin ang kapaligirang pangnegosyo para maisakatuparan ang de kalidad na pag-unlad ng kalakalan.
Sapul noong 2009, ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking bansang nagluluwas ng mga paninda, at ikalawang pinakamalaking bansang nag-aangkat ng mga paninda.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |