Ipininid dito sa Beijing nitong Martes, Oktubre 22, 2019 ang Ika-9 na Beijing Xiangshan Forum.
Sa panahon ng nasabing porum, nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok tungkol sa mga paksang gaya ng relasyon ng malalaking bansa at kaayusang pandaigdig, pangangasiwa at pagkontrol sa panganib sa seguridad ng Asya-Pasipiko, interes at komong seguridad ng katamtaman at maliliit na bansa, international arms control system at katatagan ng buong mundo, at iba pa. Malaliman ding nilang tinalakay ang mga mainitang isyung kinabibilangan ng inobasyon sa ideyang panseguridad, konstruksyon ng mekanismo ng pagtitiwalaan, estruktura ng seguridad ng rehiyong Asya-Pasipiko, kalagayan ng seguridad na pandagat, pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa terorismo, Artificial Intelligence at digmaan sa hinaharap, at iba pa.
Dumalo sa nasabing porum ang mahigit 1,300 panauhin na kinabibilangan ng 76 na delegasyong opisyal, mga ministrong pandepensa ng 23 bansa, mga komander ng mga tropang pandepensa ng 6 na bansa, mga kinatawan ng 8 organisasyong pandaigdig, at mga dalubhasa, iskolar at tagamasid ng iba't ibang bansa.
Salin: Vera