Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 28, 2019 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), na ang pagtatatag ng nagsasariling estado ay di-binabawiang karapatan ng mga mamamayang Palestino. Dapat aniyang igiit ng komunidad ng daigdig ang "Plano ng Dalawang Estado" para mapanumbalik sa normal na landas ang prosesong pangkapayapaan sa Gitnang Silangan.
Sa kanyang talumpati nang araw ring iyon sa bukas na debatehan ng UN Security Council tungkol sa situwasyon sa Gitnang Silangan, sinabi ni Zhang na ang isyu ng Palestina ay pinag-ugatan ng maligalig na rehiyong Gitnang Silangan. Ito aniya ay dapat ilagay sa nukleong posisyon sa mga agendang pandaigdig. Sa kasalukuyan, nasasadlak sa deadlock ang prosesong pangkapayapaan sa Gitnang Silangan, at lubos itong ikinababahala ng panig Tsino, dagdag pa niya.
Salin: Lito