Idaraos mula Ika-5 hanggang Ika-10 ng Nobyambre sa Shanghai ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Ngayong taon, magkakaroon ng mas malaking delegasyon ang Turkey.
Sa panayam ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Li Muzi, Namamahalang Tauhang Tsino para sa kompanya ng pinatuyong prutas ng Turkey, na sa unang CIIE, nakilala niya ang mga partner sa negosyo mula sa loob ng Tsina. Kaya naman, lumakas ang kompiyansa niya sa pamilihang Tsino. Sa pamamagitan ng CIIE, nakikita rin ng mas maraming kompanyang Turko ang malalaking pamilihan at maraming pagkakataong komersyal sa Tsina.
Kumpara noong nakaraang taon, ang delegasyong Turko sa CIIE ngayong taon, sinabi ni Li ay may mas maraming inobasyon sa pagdedesenyo at ideya ng tanghalan. Ito aniya ay maaaring mas malalim na magpakita ng kakayahan ng mga kompanyang Turko.
Sinabi rin niya na kumpara sa unang CIIE, naragdagan ang mga kompanyang Turko na lalahok sa Ika-2 CIIE na umabot sa 50. Samantala, halos 1500 square meter ang buong exhibition area ng Turkey. Ang pangunahing pokus ng Turkey sa Ika-2 CIIE ay nasa turismo at pagkain.
Salin:Sarah