Sa paanyaya ng kanyang mga counterpart na sina Abdulla Aripov ng Uzbekistan at Prayuth Chan-ocha ng Thailand, lumisan kaninang umaga, Biyernes, Nobyembre 1, 2019 ng Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina papuntang Uzbekistan. Dadalo siya sa Ika-18 Pulong ng Konseho ng Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), at magsasagawa ng opisyal na pagdalaw sa Uzbekistan.
Pagkatapos nito, bibiyahe siya sa Thailand para dumalo sa Ika-22 Pulong ng mga Lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Ika-22 Pulong ng mga Lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), at Ika-14 na East Asia Summit. Magsasagawa rin siya ng opisyal na pagdalaw sa Thailand.
Salin: Vera